Lexa – Saglit (Freeverse) (Prod. counterphit)


Lyrics & Performed by: Axel Ros

Produced by: Counterphit

Mix & Mastered by: Louis Dulay

Connect with Lexa

https://mobile.twitter.com/imLexaros

Connect with Counterphit

Connect with Louis Dulay

https://instagram.com/_louisangelo

For more inquires/bookings, email at [email protected]

Official Audio of “Saglit (freeverse)”
by Lexa.

Lyrics:

Saglit.

Gumising at nagbabakasakali nanaman
Lagyan ng laman ang utak na kumakalam
Musika ang dahilan kung ba’t ako giyang
Eto magisa at naisipan mag libang

Kamusta ka? kamusta ka? kamusta ka?
Nais kong lumaya at sana’y kumawala
Sa mudong pilit sakin na gumigiba
Gayon paman tuloy padin ako sa paglikha

Wag ka sana mainip pag napa tagal
di ka mananalo kung di kaya sumugal
Ibigay na ang lahat kasama ang butal
puputok din ngalan mo na parang bang taal

Lagi mong itatatak sa sentido
Tayo’y magkakaiba ng estilo
Anong nais o gusto ay gawin mo
Bago pa ang huli mong minuto

Lumaya ka na parang ibong maya
Andyan si Ama, pag di mo na kaya
Wag kang nega at maging maligaya
tara na at bumangon ka sa kama

Lasapin ang sariwa na hangin
Oras ko’y pinipilit pabagalin
Mahaba man ang ating lalakarin
Tuloy kalang sa mabuting hangarin

Mga mapanghusga di nayan mawawala
Nakita ang saya, saking mga mata…
Tumamis ang dating mapait
Ito’y kapalit ng naranasan na sakit

ito ay kapalit
ng naranasan na sakit.. uhh
sa susunod nalang ulit.
pasensya na itoy saglit…

#QRNTNMUSIC #FREEVERSE

Tags